CAUP Halloween Special (Story # 14)

old man.gif
Photo credit: imgur

Mumu sa Antipolo.

“Nangyari to sa Antipolo, pero puro naman kami PLMayers noon so kwento ko na din.

Pang-apat na araw na namin na nagsstay dun sa bahay ng blockmate namin kasi gumagawa kaming plate.

Kinagabihan noon, nagccharge ng phone si Totoy sa alfresco (outside dining area), pagkuha nya ng phone dali dali syang nagpunta sa sakin at pinakita yung convo nila ng bestfriend nya. Bigla daw nagsend ng 6-seconds na voicemail yung account nya dun kay bff nya.

Hindi namin mapakinggan dahil mahina ang net. Iniwan nya sa table ko yung phone. Sinabihan ko syang wag nya kaming lokohin, kasi nakakatakot na. Bumalik nalang ako sa ginagawa ko pero natatakot na ako noon.

Maya-maya ay biglang may nagchat sa GC namin, si Totoy, ang sabi nya “Saan kayo?”. Nagtaka ako kasi magkakasama lang naman kami sa bahay na ‘yon at bakit nya kami hinahanap?

Tinawag ko sya at tinanong bakit nya kami hinahanap, e nandoon lang naman kami. Nagulat sya kasi wala naman daw syang china-chat na ganon.

Ang nakakaloka pa e nasa tapat ko lang mismo yung phone simula kanina. Doon na talaga ako lalong kinabahan.

Hanggang ngayon kinikilabutan parin ako tuwing naaalala ko yung pangyayaring ‘yon. Pwede kong ipakita yung convo kung gusto nyo ng patunay. At nga pala, napakinggan namin yung voicemail nung pasukan, nothing serious, sadyang pinapakinggan lang kami.”

— Tory Kelli (2014), CAUP

Leave a comment