CAUP Halloween Special (Story # 15)

doll.gif
Photo credit: creepy-doll-gif (Tumblr)

Untold Thoughts.

“Una sa lahat di talaga ko naniniwala sa multo e. Di pa kase ako nkakakita ng kahit anong multo or mga kahit anong nilalang na yan. Pero sa na experience ko sa GCA 2nd Flr kakaiba talaga.

Wednesday nun. Klase ko sa GCA.

Design, TOA at filipino lang ang subject ko non. Mejo mahaba ang vacant namen bago yung filipino subject namen.

So eto na, yung araw kase na yun hindi na talaga maganda ang pakiramdam ko. Sumasakit yung tyan ko kahit di naman ako nadudumi, wala naman akong LBM non. At dahil mahaba vacant namen, after ng TOA namen, dumeretso agad ako sa CR. Mga nasa 1:30pm na yon. Pag pasok ko ng CR sarado yung isang cubicle, don ako sa isa pumasok. Tahimik ang CR halos maririnig mo talaga kahit ang pag bukas ng zipper ng bag mo. So eto na, nung nasa loob nako ng cubicle nung naka upo nako. May naririnig akong kaluskos sa katabi kong cubicle. Mejo yumuko ako at pinakinggan ko, (alam ko kase may tao don) tas pag tingin ko sa baba may anino akong nakita na hugis ulo na parang may naka dungaw sa itaas. Lumingon ako sa taas, wala naman akong nakita. Pag tingin ko uli sa lapag, wala na yung anino. Dun nako napa isip kung may tao ba talaga dun sa katabi kong cubicle. Triny kong mag salita at nagtanong ako.

“Bro, may bote ka jan?, Nka limutan ko kase mag dala ng bote, gagawin kong tabo haha” (Pero may bote talaga akong dala)

Pero walang sumagot.

Narinig ko na naman yung kaluskos. Pero nung time na yun mas malakas at tuloy tuloy. Nag madali nako at tumayo na agad. Pag labas ko ng cubicle, triny kong silipin yung ilalim kung may tao. Wala akong nakita. Triny ko rin buksan yung cubicle. Pag bukas ko walang tao.

Pero fcvk may nakita ako!!

May nakita na naman akong anino na gumagalaw sa cubicle kung san ako gumamit, narinig ko pa yung tunog ng lock. Ako lang mag isa CR nung buong oras na yon. Wala pang ibang pumapasok sa CR simula nung lumabas ako sa cubicle. Wtf dun nako nanginig at nag madaling lumabas. Pero bago ako lumabas, narinig ko na naman yung kaluskos. At kahit di ako naka tingin sa salamin ng CR, may naanigan ako na may kamay at ulo don sa ibabaw ng pinto ng cubicle na para bang nakadungaw. Kaya hindi nako nag ccr sa GCA nang mag isa. Lagi nakong sa baba nag ccr.”

— Son Goku (2016), CAUP

Leave a comment