CAUP Halloween Special (Story # 17)

ice-cream
Photo credit: buzzfeed

The Figure.

“Share ko lang experiences ko sa hallway ng GCA.

Isang beses galing akong banyo, naglalakad ako mag-isa papuntang room, nadaanan ko yung mga bamboo sa bintana sa GCA 2nd floor, may naaninag akong tao sa labas ng mga bamboo na yun..

Naglakad nalang ako ulit kasi inisip kong baka janitor lang or maintenance.. Pero nagtaka ako kasi paano sya nakatayo doon? Kasi diba wala namang floor sa gitna ng GV at GCA?

Kaya naman sinilip ko kung saan sya nakapatong.. pagtingin ko wala na yung tao.

Isang beses din nakaupo ako sa hallway sa 3rd floor, sa tapat ng 301. Bumili kasi ng lunch friends ko, yung dalawa naman nag-cr.

Nakayuko lang ako at nakikinig ng music habang nagbabantay ng gamit. May lalaking dumaan sa tapat ko, akala ko blockmate ko, babatiin ko sana, paglingon ko walang tao. Buti nalang lumabas na galing ng cr yung dalawa kong friends kung hindi baka naiyak na ko dun.”

— ombs (2014), CAUP

Leave a comment