CAUP Halloween Special (Story # 19)

dont blink.gif
Photo credit: werbooty (Reddit)

Nakakatindig-balahibo.

“Isha-share ko sana ang karanasan ko sa plm. Isa sa hindi ko pong makakalimutan na kakabalaghan na nangyari nung first year ako.

Inabutan na kami ng gabi dahil nagcocompute kami ng grade. Nasa gl 6th floor ang room namin. Pinalabas ng professor kaming lahat maliban sa mga secretary. Kaya umupo kaming lahat sa hallway.

Wala kaming magawa kaya nagkwentuhan ng nakakatakot ang mga kaklase ko. Wala na ring pong tao sa Gl 5th at 6th floor nung nga oras na yun dahil gabing-gabi na. Umupo lang ako sa tabi at nagpatugtog dahil ayoko ko makinig sa kanila. May nakita na kasi ako sa floor na yun dati nung nagbantay kami para sa eleksyon ng SSC.

Umakyat ako doon ng 1am sakto at may babaeng nakadress na puti na dumaan. Pupunta ako ng faculty sana para hanapin ang prof namin pero hindi na ako tumuloy dahil sa nakita ko. Hindi ko kinukwento yun sa mga kaklase ko kaya hindi nila alam kung bakit ayoko ko makinig sa kwentuhan nila.

Puno nang salamin ang gl 6th floor kaya may nakikita akong reflection sa salamin. Pinatitigil ko na sila magkwentuhan at nagtataka naman sila bakit ayoko. Maya-maya mula sa pinakadulong bintana ng corridor may pumasok na malaking paniki. Napasigaw kami at buti may mga janitor at guard na umakyat para hulihin yung paniki. Sinabi nila na may mga paniki talaga sa school at hinuhuli nila. Pero ang creepy parin kaya tumigil na kami sa kwentuhan.

Nung pauwi na kami, hindi kami makapaglakad mag-isa sa sobrang takot. Sinabi ko sa mga kaklase ko kung bakit ako natatakot at sinabi ko rin yung storya ko. Nasa harap na kami ng jollibee kalaw para maghintay ng jeep. Lumingon ako sa likod para tignan yung mga kaklase ko at laking gulat ko ng may nakita akong lalaking nakabarong at nakatingin ng masama. Inalis ko agad yung tingin ko at sinabi sa kanila yung nakita ko.

Buti na lang at walang masamang nangyari sa amin pauwi maliban lang sa may nahablutan ng wallet sa jeep sa harap ng national museum. Ang pinakadahilan talaga kaya ayoko nagkwekwento ng nakakatakot na kwento sa mga ganun lugar dhil pag may nakarinig na masamang kaluluwa baka mapagtripan niya. Salamat sa pakikinig sa istorya ko.”

Leave a comment