CAUP Halloween Special (Story # 20)

erg.gif
Photo credit: Smartstocks

Dasal lang talaga.

“Ako kasi madalas akong nakakatulog ng pagod pero never ko pang na-experience mabangunot (kung bangungot nga to). Naririnig ko lang yung mga ganitong insidente sa mga kaklase ko. So ayun, more tulog ako. Tapos conscious ako. Half-awake parang ganun. Tapos ewan ko kung panaginip o totoong nangyari. Nag-levitate kasi ako. As in lutang. Tapos nilalabanan ko siya kasi nga di ako makahinga saka makagalaw pero the more na nilalabanan ko siya mas lalo akong nahihirapang huminga. Tas grabe, pa akong na-paralyze. Sobrang lakas talaga ng force. Basta yung mga possess sa mga movie ganun. Tinry ko pang gisingin yung kapatid ko. Sumigaw ako pero takte! Walang lumalabas na boses. Feeling ko mamamatay na ko. Para kasing habang lumulutang ako eh may nakadagan sakin pero di ko makita. Pinipilit ko ding gumalaw pero wala, di ko maabot yung kapatid ko. Sa sobrang hopeless nung situation ko akala ko mamamatay na ko. In the end nagdasal na lang ako and effective. Back to normal. Kaya maniwala tayo kay loveliness Alma. Dasal lang talaga. Haha. Anyways, thank you, Lord!”

— Alma Moreno (2012), CAUP

Leave a comment