CAUP VALENTINE SPECIAL – #DearGibbie #43

16976923_733050490209892_1812945772_n

PANAGINIP

Ni minsa’y di ko hinangad na lumagda sa kontratang may dulot na tamis at pait,

Nagpakababad at naghilamos sa katotohanan bagamat damdamin ko’y ngalan mo ang laging sambit

Nag aatubiling hingin ang iyong kamay para lamang sa kontratang may hangganan,

Bagamat batid kong sa piling mo’y sa ikatlong langit ang hangganan.

Mas nanaisin ko na lamang na ika’y hayaan at pagmasdan ang ganda,

Malaki aking pangamba na sa pagpitas ko sayo’y maaring damdamin mo sakin ay malanta.

Damdamin ko’y nababalot ng PANAGhoy at INIP sa pagkulong ng damdaming pilit na itinatanggi, ngunit mas mainam at marapat na lang itong isantabi.

Tutcha. Hahaha.

From: Nortrom

#AskGibbie Sabi ng mga kablockmates ko mukha daw po kayong kwek kwek, ano po masasabi niyo haha

Aray! Such a beautiful but sad story, dear sender. As your request, here’s You’re Beautiful by James Blunt.

Click the link below for the song:

You’re Beautiful

#GibbieTalks Puro takot nalang ba ang ating paiiralin? Sa panahon ngayon wala nang lugar ang pagiging torpe. Confess now, kesa naman mag-sisi ka sa huli. Why can’t you take risks? Ramdam ko yung pagmamahal mo sa kanya pero mas nagingibabaw yung takot at alinlangan. To love is to risk, therefore, to love is to be brave. Kaya, Nortrom, man up. Goodluck in pursuing her.

And to answer your question, yes, as of now mukha pa akong kwek kwek. Wait mo, mage-evolve ako. Soon.

Leave a comment