CAUP VALENTINE SPECIAL – #DearGibbie #47

17078661_735794033268871_143133988_n

A Love Story In Progress

Hi Y

I know, hindi mo ‘to mababasa hahaha kasi hindi mo ganun ka-trip yung mga ganito. Sabi ko ‘non, gusto ko yung unang pagpost or pagsend ko sa mga ganito, memorable or something na significant. Ayokong may ma-rant lang ganun. So ayun na nga ang haba ng intro ko hahaha

Annyeong~ I just want to thank you sa lahat. Kasi alam kong hindi sa lahat ng pagkakataon, napapasalamatan kita sa mga bagay na ginagawa mo para sa’kin. Ewan pero grabe kasi, ang blessed ko dahil may isang tulad mo sa buhay ko ngayon. Hindi naman ako brokenhearted or naghahanap ng oppa nung mga panahong ayun, pero eto binigay ka sa’kin. At sobrang thankful ako. Lalo na sa oras na inilalaan mo sa’kin. Architecture students tayo, madalas cramming, puyat, stressed. Pero never kong naramdaman na nawalan ka ng oras sakin. Sorry kung madalas nasusungitan kita. At sa mga pagkukulang ko na rin sa’yo. Sorry kung minsan ang perfectionist ko, ang control-freak ko. Siguro yun yung kinalakihan ko kasing way na feeling ko mas nalilead kita sa alam kong paraan kung saan mas mapapadali ang buhay mo/ko, gaya sa pagrereview, sa paggawa ng sched. Ayun, sana maintindihan mo hehe. Sana wag kang mapapagod or magsasawa na unawain ako. Ilang taon pa pero gaya ng lagi kong sinasabi sa’yo, look on the brighter side. Isipin natin na mula nung nagconfess ka sa’kin hanggang sa kung nasaan man tayo ngayon, malayo-layo na rin yung narating natin. At masaya akong hanggang ngayon, eto pa rin tayo, masaya lang, lumalaban sa buhay. Masaya ako na sa kabila ng ilang hindi pagkakaunawaan, nalagpasan natin ‘yun nang magkasama at magkahawak kamay. Mag-aral lang tayo nang mabuti at tulungan natin ang isa’t isa gaya ng lagi nating ginagawa.

Alam kong ilang beses ko nang nasabi sa’yo na nandito lang ako. Laging handang makinig sa’yo kahit ako naman talaga yung madaldal hahaha. Kaya natin ‘to okay? Tinry ko na maging maganda yung kakalabasan ng kung ano mang tawag dito sa iisasubmit ko kaso time pressure hahaha. Hanggang dito ba naman maghahabol ako sa deadline? Dejoke. I hope we’ll reach our goals someday. Salamat sa lahat. Lagi mong aalagaan yung sarili mo. Mahal na mahal kita ❤

From: Turquoise

#SenderRealizations Advice? Sa course nalang siguro. Just keep your passion burning. Mahalin natin yung course natin kahit di tayo mahal ng mahal natin chos hahaha pero seryoso, ‘wag tayong magsawa sa mga plates at mga plates at mga plates ulit, dahil ‘yan ang forever natin ❤ Yung love and everything, they will come at the right time, si God ang bahala ‘dun, trust Him. Lahat ng bagay may reason. Kung bakit kayo nagbreak, kung bakit di ka nya crush, kung bakit puyat ka lagi, etc. Sa ngayon, focus on the present at mahalin natin ang mga bagay at tao na meron tayo at kasama natin. Spread the love ❤

As requested by Turquoise, here’s You by Basil Valdez.

Click the link below for the song:

You

#GibbieTalks What a wonderful and inspiring story you have there Turquoise! Oo nga naman, plates before dates and gwa before jowa dapat tayo! Either way, it’s up to us how we would handle our love life or crush lives. As long as we keep in mind that as a student, i-prioritize muna natin ang studies before other things. Wouldn’t our future look good kung parehas na kayong graduate at may awaiting love life pa?

Leave a comment